Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay?
(Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan)

Ang sanglibutan ay isa pang kaaway na dapat labanan ng Cristiano upang siya ay mamuhay nang matagumpay. Binabalaan ng Biblia ang mga Cristiano: "Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan...Sapagkat ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga pata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan" (1 Juan 2:15,16).

Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kuwento ni Daniel at kung paano niya napagtagumpayan ang paglaban sa sanglibutan. Tiyak na makikita natin ang ating mga sarili sa parehong bigat ng sanglibutan, at mula rito'y magtatamo tayo ng mga pamamaraan na magagamit sa ating panahon.

Ang Pamamaraan ng Daigdig

Sa salitang daigdig, ang Kasulatan ay hindi tumutukoy sa nakikitang daigdig. Sa halip, ito ay tumutukoy sa "pamamaraan ng daigdig at sa mga katangian na pinanghahawakan nito."

Ayon sa 1 Juan 2:16, anong tatlong bagay ang mataas na pinahahalagahan ng sanglibutan?
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________

Ayon sa mga sumusunod na talata, sino na namumuno sa sanglibutan at paano siya tinukoy ng mga ito?

Juan 12:31 ________________________________________________________
2 Corinto 4:4 ______________________________________________________
Efeso 2:2 _________________________________________________________

Ayon sa Santiago 4:4, nagiging ano tayo kung ating kakaibiganin ang sanglibutan? Bakit ganoon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mag-ala Daniel

Basahin ang Daniel 1:1-21.

Bilang mananampalataya na nakatira sa isang paganong lipunan, si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan ay pinilit na pinasusunod sa paganong buhay at paraan na salungat sa ipinag-uutos ng Dios. Isulat ang ilan sa mga paghihirap na kanilang dinaanan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano sa palagay mo ang nangyari kung sila ay nagpahinuhod sa mga pahirap na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gumawa ng isang listahan ng mga hindi maka-Dios na bagay na pilit na ipinasusunod sa mga tao ng sanglibutan? Paano pinipilit ng sanglibutan na sumunod ang mga tao sa pamantayan nito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano ang mga dulot ng pagsunod sa sulsol ng sanglibutan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mula sa iyong sariling karanasan, magbanggit ng isang pakikipagtuos sa sulsol ng sanglibutan. Paano ka tumugon dito? Ano ang naging dulot?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Napagtagumpayan ni Daniel ang sulsol ng sanglibutan sa pamamagitan ng...

1. Pag-alam ng kalooban ng Dios. Si Daniel ay matibay na nakatayo sa pundasyon ng Salita ng Dios. Siya ay lubos na naniniwala sa katotohanan ng Biblia.

2. Taos-pusong pagsunod sa mga utos ng Dios. Si Daniel ay hindi nagdalawang isip sa pagsunod.

3. Pagtindig nang may buong pagpapasya. Ayon sa Biblia, ipinasya ni Daniel na hindi siya susunod sa sulsol ng sanglibutan.

4. Pagtanggap sa anomang dulot ng kanyang pagsunod sa Dios. Batid ni Daniel kung ano ang maaaring mangyari sa kanya dahil sa kanyang pasya. Gayonman, ang higit niyang pinahalagahan ay kung ano ang nais ng Dios.

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Anong mga sulsol ng daigdig ang iyong nararanasan sa sanglibutan sa ngayon? 2. Anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang mapagtagumpayan ang mga ito?
3. Sagutan ang ika-13 aralin.
4. Isaulo ang 1 Juan 2:16.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter