Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo at Comunion?

Inutusan ng Panginoong Cristo Jesus ang Kanyang Iglesya na tupdin ang dalawang ordinansa o utos: ang Bautismo sa Tubig at Comunion o ang Hapunan ng Panginoon. Ang mga ito ay hindi lamang mga ritual, kundi mga gawain na may kahalagahang espiritual.

Maraming mga tanong tungkol sa dalawang ordinansang ito. Isasaalang-alang natin ang mga ito sa araling ito gamit ang liwanag ng Kasulatan.

Ang Ordinansa ng Bautismo

1. Ang bautismo ba ay isang sacramento?

Ang sacramento ay nangangahulugan, sa simula, na "isang panglabas at nakikitang tanda ng isang pangloob na biyayang espirtual". Sa pakahulugang ito, ang sagot natin sa tanong ay "oo".

Subalit may mga grupo ng relihiyon na nagpapakahulugan dito ng iba. Ayon sa kanila, ang sacramento ay "paraan ng biyaya".

Sa ibang salita, ang bautismo ay hindi lamang sumasalamin sa pangloob na biyaya ng kaligtasan, kundi siya mismong nakapagliligtas - ang paraan ng nakapagliligtas na biyaya. Sinasabi nila na ito ay isang mahalagang bahagi ng kaligtasan.

Sa pakahulugang ito, ang sagot natin sa tanong ay "hindi". Ito ay hindi sacramento.

Ayon sa 1 Pedro 3:21, nakapagliligtas ba ang bautismo sa tubig? Bakit o bakit hindi?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ayon sa Roma 3:28, paano inaaring ganap ang isang tao sa Dios?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang bautismo sa tubi ay hindi nakapaglilinis ng kasalanan ng tao. Sa katunayan, itinuturo ng Biblia na ang tao ay dapat munang maligtas bago siya mabautismuhan (Gawa 8:36, 37).

2. Kung gayon, mahalaga ba ang bautismo sa tubig?

Lubos na mahalaga! Inutusan ni Cristo Jesus ang lahat Niyang nagpapahayag na tagasunod na gawin ito. Ito ay isang mahalagang bahagi ng pagiging isang alagad ni Cristo. Ayon sa Mateo 28:18-20, ano ang tatlong bagay na kinakailangan sa paggawa ng alagad?

a. ________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________
k. ________________________________________________________________

Tingnan kung ang mga bagay na ito ay nahahayag din sa gawain ni Pedro (Gawa 2:40-42).

3. Ano ang kahalagahan ng bautismo sa tubig?

Una, ito ay kumakatawan sa ating bautismo o pagkakakilanlan sa kamatayan, libing at pagkabuhay na maguli ni Cristo Jesus. Ang hindi nakikitang gawain ng Dios sa ating buhay ay itinatanghal sa bautismo sa tubig.

Roma 6:3-6
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pangalawa, sa bautismo sa tubig natin naitatanghal ang ating pagkakakilanlan kay Cristo Jesus. Hindi tayo dapat mahiya na ihayag na si Cristo Jesus ang ating Panginoon!

Pangatlo, isinasagisag nito ang bautismo sa Espiritu, na nagdala sa atin tungo sa Katawan ni Cristo - universal na iglesya (1 Corinto 12:13). Binibigyan din tayo nito ng karapatan na maging kaanib ng lokal na iglesya.

4. Paano isasagawa ang bautismo sa tubig sa isang mananampalataya?

Ang katagang bautismo ay hango sa katagang Griego na baptidzo, na ang kahulugan ay "ilubog" o "ilublob". May mga grupo ng relihiyon na nagpipilit sa ibang anyo ng bautismo tulad ng buhos, wisik o pahid. Subalit ang wikang Griego ay may ibang mga kataga para sa mga ito, at hindi sila katulad ng bautismo.

Comunion o Hapunan ng Panginoon

1. Ang Hapunan ng Panginoon ba ay isang sacramento?

Para sa ibang grupo ng relihiyon, ang comunion ay isang sacramento (paraan ng kaligtasan). Halimbawa, itinuturing ng mga Romano Katoliko na ang Comunion (Banal na Hapunan) ay hindi lamang sumasagisag sa kamatayan ni Cristo Jesus kundi muling itinatanghal ang Kanyang paghihirap sa Calvario.

Madalas ding tawaging walang dugong sakripisyo (misa), ang tinapay ay sinasabing nagiging katawan ni Jesus samantalang ang alak ay nagiging dugo ni Jesus. Ang "himalang" ito ay tinatawag na transubstantiation.

Basahin ang Hebreo 9:24-26; 10:10-12, 18.

Ayon sa mga talatang ito, ano ang masasabi mo tungkol sa pagkahandog ng katawan ni Cristo Jesus? Dapat ba itong ulitin? Bakit o bakit hindi?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Nang sinabi ni Jesus (1 Corinto 11:24), "Ito ay Aking Katawan", ang ibig sabihin ba Niya ay naging Katawan Niya ang tinapay? Bakit o bakit hindi? Iugnay ito sa Kanyang pangungusap na, "Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng Hapunan ng Panginoon?

Ang Hapunan ng Panginoon ay sumasagisag sa paghahandog ng Panginoong Cristo Jesus. Ang tinapay ay nagsisilbing nakikitang representasyon ng Kanyang Katawan, na nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan (Isaias 53:4,5). Sa kabilang banda, ang saro ay sumasagisag sa Kanyang dugo na tumulo para sa ating katubusan (1 Pedro 1:18, 19).

Pagbabalik Tanaw: Isang pagkakataon para sa mga mananampalataya na alalahanin ang paghahandog ng Panginoong Cristo Jesus; na sa pamamagitan lamang ng Kanyang nagawa tayo naligtas, at hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagpupunyagi.

1 Corinto 11:24, 25
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagsiyasat sa Sarili: Ito rin ay pagkakataon upang siyasatin natin ang ating espiritual na buhay at muli tayong maglaan ng ating mga sarili bilang mga tagasunod ng Panginoong Cristo Jesus.

1 Corinto 11:28
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagsulyap sa Hinaharap: Sa ating pagsali, tayo ay masigasig na umaasa sa Ikalawang Pagdating ng ating Panginoong Cristo Jesus.

1 Corinto 11:26
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paghahanda sa Susunod na Aralin

1. Maghanda para sa evangelismo at ikalawang pagsasanay. Ang mga manual ay ibibigay sa inyo ng inyong mga group leaders.
2. Isaulo ang Gawa 2:42.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter