Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Panimula

Paano Tayo Lubos na Makapag-aaral?

Ang pag-aaral ng Biblia o Bible study ay isa sa pinakanakalulugod na gawain na maaaring isakatuparan ninoman. Bilang mapangliwanag at praktikal na aklat, ang Biblia ay may sagot sa mga nakalilitong tanong ng buhay. Layunin ng material na ito na sagutin ang ilan sa mga tanong na ito ayon sa Salita ng Dios.

Gaya ng ibang pag-aaral, ang Bible study ay nangangailangan ng mga bagay upang tayo ay higit na makinabang sa mga aral nito.

Isang Halimbawa sa Biblia: Ang mga Taga Berea

1. Basahin ang Gawa 17:10 - 12. Kanino inihambing ng manunulat ang mga taga-Berea? Ano ang kanyang pasya?

2. Ano ang dalawang bagay na mas ikinabuti ng mga taga Berea? (Isulat ang sagot sa patlang.)

"Wiling wili sila sa ________________ sa pangangaral ni Pablo, at ________________ araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung _______________nga ang mga sinasabi niya."

3. Paano natin maiaangkop ang mga katotohanang ito sa pag-aaral ng Biblia?

Mga Hakbang sa Pag-aaral ng Biblia

1. Maging madaling turuan. Ibukas ang pag-iisip sa mga katotohanan ng Kasulatan. Unawain na ang Diyos ang nagsasalita, at Siya ang nakaaalam ng lahat.

2. Maging taimtim sa pag-aaral. Iwasan ang pagtanggap ng mga aral na hindi sinusuri ang laman ng Biblia. Maging pala-tanong.

3. Maging masigasig sa pagdalo. Umpisahan at tapusin ang pag-aaral sa itinakdang oras.

4. Maging aktibo. Sumali sa diskusyon at iba pang gawain.

5. Maging maunawain. Unawain na ang mga miyembro ay may kanya-kanyang bilis sa pagkatuto.

6. Maging mapagpalakas ng loob. Tawagan o sulatan ang mga kaanib ng grupo sa pagitan ng mga pagdalo.

7. Maging matapat. Maghanda para sa bawat aralin sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa aral na tatalakayin.

8. Maging mapanalanginin. Ang pagsandal sa Dios sa panalangin ay mahalaga upang lubos na maunawaan ang Kanyang Salita.

Ano ang Itinuturo ng Biblia Tungkol sa...

1. Kasulatan?

Awit 19:7,8,10_______________________________________________________
119:105_____________________________________________________________
119:89______________________________________________________________
119:129 ____________________________________________________________

2. Diyos?

Isaias 6:1 - 3________________________________________________________
Awit 46:1___________________________________________________________
93:1 _______________________________________________________________
95:3 _______________________________________________________________
136:1 ______________________________________________________________

3. Cristo Jesus?

Juan 1:1 - 4 ________________________________________________________
11:25, 26 ___________________________________________________________
14:6________________________________________________________________

4. Paano Ako Makikitungo sa Dios?

Awit 138:1 __________________________________________________________
107:1 ______________________________________________________________
Marcos 12:29, 30 ____________________________________________________

5. Paano Ako Makikitungo sa Ibang Tao?

Marcos 12:31________________________________________________________
Colosas 3:13, 14 _____________________________________________________

Paghahanda Para sa Unang Aralin

1. Basahin ang Juan 1 ng tatlong ulit.
2. Ano ay iyong unang pagkaunawa sa kapitulo?
3. Ano ang iyong mga nalaman tungkol sa Dios? kay Cristo Jesus? sa pakikitungo sa Dios?
4. Ayon sa Juan 20:30, 31, ano ang layunin ng aklat ni Juan?
5. Sagutin ang kasunod na aralin? Sino si Cristo Jesus?

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter