Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ikatlong Aralin: Paano AKo Magkakaroon ng Tamang Pakikipag-ugnayan sa Dios?

"Ngunit paanong makapaggaganap ang tao sa Diyos?"

                                              (Job 9:2b; Tagalog Bible)

Hindi mapagkakaila, ito ang isa sa pinakamahalagang tanong sa buhay? Lahat ng uri ng tao, anoman ang kanilang edad, kasarian, lahi at kalagayan, ay nagsisikap alamin kung paano sila magkakaroon ng tamang relasyon sa Dios. Ikaw? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano ka magkakaroon ng personal na pakikipag-ugnayan sa Dios?

Ang Pinakamalaking Balakid

Roma 3:23; Galacia 3:22; 1 Juan 1:8
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Isinasaad ng Biblia na lahat ng tao ay nagkasala. Ang kasalanang ito ang humahadlang sa tao sa pagkakaroon ng ugnayan sa Dios. Dahil ang Dios ay banal, Siya ay hindi maaaring magkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga makasalanan. Bukod dito, ang kasalanan ay may kaparusahan.

Roman 6:23________________________________________________________
Efeso 2:1__________________________________________________________

Sa kasukdulan, mahihiwalay sa Dios ang makasalanan at magdurusa sa impierno magpakawalang hanggan.

Mateo 25:41,46_____________________________________________________

Ang kasalanan ay kadalasang tinatawag na gawa (tulad ng pagpatay, pagnanakaw). Sa katotohanan, ang kasalanan ay hindi lamang gawa ng tao, kundi likas mismo sa tao.

Ayon sa Marcos 7:21-23, saan nagmumula ang kasalanan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Mungkahing Lunas ng Tao

Iminumungkahi ng tao na alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng karaniwang paraan (sariling pagsisikap). Subalit ang kasalanan ay hindi maaalis sa ganitong paraan.

Jeremias 13:23
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sinisikap ng tao na iwan ang kasalanan at magkaroon ng tamang pakikipag-ugnayan sa Dios, subalit hindi niya magawa. Ang kanyang pagsisikap ay hindi nakaabot (Roma 3:23).

Paano kung sa pamamagitan ng relihiyosong gawa? Efeso 2:8-9; Tito 3:5
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paano kung sa pamamagitan ng karunungan ng tao? I Corinto 1:20, 21 __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Tanging Lunas ng Dios

Itinuturo ng Biblia na dahil ang kasalanan ay isang pangloob na suliranin, kinakailangang may pumasok sa loob ng tao at linisin ang anumang karumihan. "Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Dios ang lahat ng bagay" (Mateo 19:26, TPV).

Isang Tao lamang ang makagagawa ng paglilinis na ito - si Cristo Jesus! Siya ang Dios (John 1:14) na nagkatawang tao sa lupa at dumanas sa parusa ng ating kasalanan (I Peter 2:24).

Siya ay namatay, ngunit binuhay siya ng Dios mula sa mga patay!

Ayon sa I Pedro 1:3, ano ang kahulugan ng pagkabuhay na maguli ni Cristo Jesus?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Efeso 2:4,5
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ngayon, iniaalok ni Cristo Jesus ang kalayaang ito sa sinumang tatanggap sa Kanya bilang Tagapagligtas at Panginoon.

Juan 14:6__________________________________________________________
I Juan 5:11-13______________________________________________________
Juan 1:12__________________________________________________________
Pahayag 3:20_______________________________________________________

Nais mo bang tanggapin si Cristo Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya? Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng mataimtin na panalangin, at pagtawag sa Kanya upang pumasok sa iyo at linisin ang iyong buhay.

Mungkahing Panalangin:

Panginoong Jesus, inaamin ko po na ako ay makasalanan at walang kakayahan na lumaya sa kasalanan sa sarili kong paraan. Alam ko pong dahil dito ay nararapat akong mamatay. Subalit dahil sa Iyong habag, Ikaw ay gumawa ng paraan upang ako ay maligtas. Tinatanggap ko po Ikaw sa aking buhay bilang tangi kong Panginoon at Tagapagligtas. Isinusuko ko sa Iyo ang aking sarili. Linisin mo po Ako mula sa kasalanan, at bigyan Mo po ako ng pagnanasang laging maging kalugod-lugod sa Iyo. Amen.

Pagdanas ng Lubos na Pakikipag-ugnayan

Panalangin (Mateo 26:41)_____________________________________________
Bible Study (1 Pedro 2:2) _____________________________________________
Fellowship (Hebreo 10:24, 25) _________________________________________
Pagsunod (Santiago 1:22) ____________________________________________
Pamamahagi (Gawa 4:20) _____________________________________________

Paghahanda sa Susunod na Aralin

1. Sagutin ang Ika-4 na Aralin.
2. Isaulo ang I Juan 5:11-13.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter