Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Pambungad

Nang araw na umakyat sa langit ang Panginoong Cristo Jesus, isinugo Niya ang mga alagad at inutusang gawing "alagad" ang lahat ng mga bansa (Mateo 28:19). Ito ang hakbang na Kanyang ginamit upang sanayin ang Kanyang mga alagad; ang Kanyang pamamaraan upang magligtas ng mga kaluluwa; at ang susi sa paglago ng sinaunang iglesya.

Makalipas ang 2000 taon, ang pangangailangan na humayo at gawing alagad ang mga bansa ay higit na maigting sa ngayon.

Ano ang paggawa ng alagad o disciple-making?

Isinalarawan ni apostol Pablo ang kanyang pamamaraan sa paggawa ng alagad sa pagsasabing: "Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo" (I Corinto 11:1, TPV). Sa payak na salita, ito ay nangangahulugan ng pangunguna sa paghakbang upang sundan ng iba - tungo sa kaganapang tulad ng kay Cristo. Ang mga itinuturo ng Biblia, kung matapat na ipinamumuhay at ipinamamahagi ng isang Cristiano, ay nagsisilbing makapangyarihang kasangkapan ng Dios upang baguhin ang pamumuhay ng mga tao tungo sa lubos na paglagong Espiritual.

Layunin ng material na ito na gabayan ang mga mananampalataya sa isang progresibong pag-aaral ng mga pangunahing katuruan ng Biblia. Bagama't maaari itong gamitin bilang pangsariling gabay, una nitong mithiin na magamit sa disciple-making o sa pagitan ng isang ganap na mananampalataya at ng kanyang tinuturuan.

Inaasahan kong ang sinumang gagamit ng material na ito upang turuan ang iba ay nagdaan na rin sa isang discipleship program at patuloy na namumuhay ayon sa Kasulatan.

Ang inyong masugid na pagtuturo at maka-Dios na halimbawa ay makatutulong upang buhayin and salita ng Dios sa buhay ng mga tao at sila mismo ay mamuhay tulad ng kay Cristo - sa kaluwalhatian ng Dios.

Isinalin gamit ang Tagalog Bible at Tagalog Popular Version (TPV).

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter