Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ika-8 Aralin: Bakit Ko Dapat Pag-aralan ang Biblia?

Ang Biblia ay ang Salita ng Dios para sa sangkatauhan. Milyun-milyong tao ang humanga sa nilalaman nito at di mabilang ang mga taong nagsabing nabago ang kanilang buhay dahil dito.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagbabantulot na basahin ang Biblia, lalo na ang paniwalaan ang nakasulat dito. Marami ang pumupuna sa katotohanan ng Biblia: Bakit ko pag-aaralan ang Biblia? Ito ba ay kapanipaniwala? Ito ba talaga ang Salita ng Dios?

Sa araling ito, sasagutin natin ang mga tanong na ito tungkol sa Biblia.

Ang Biblia ay Salita ng Dios

Ang Dios ang nagsasalita sa Biblia. Ito mismo ay sapat nang dahilan upang pag-aralan natin ito. Ang mga sumusunod ay nagpapatunay na ang Biblia ay Akda ng Dios.

1. Ang Kaisahan Nito

Ang Biblia ay binubuo ng 66 na aklat na isinulat sa loob ng 1,600 taon ng 40 manunulat mula sa iba't ibang lugar at kalagayan. Ito ay nasulat sa tatlong wika: Hebreo, Aramaic (Matandang Tipan) at Griego (Bagong Tipan). Sa kabila nito, ang bawat detalye sa Biblia ay umaayon sa isa't isa. Walang pagkakasalungatan sa Biblia.

Ito ay posible lamang kung may Isang Banal na May Akda sa likod ng mga kasulatan nito.

2. Ang Katunayan Nito

Kasaysayan: Ang mga bagong tuklas sa larangan ng arkeolohiya ay nagpapatunay sa kasaysayan na binabanggit ng Biblia. Ang mga detalyeng katulad ng petsa, lugar, mga importanteng tao at mga pangyayari na isinasaad sa Biblia ay pinatunayan ng mga katanggap-tanggap na dokumentong pangkasaysayan.

Si Millar Burrows, isang arkeologo mula sa Yale University, ay nagpatotoo na ang kasaysayan sa Biblia ay dapat paniwalaan. Ayon sa kanya, "...sa kabuuan, ang gawain ng arkeolohiya ay walang alinlangan at may malakas na tiwala sa katunayan ng mga tala sa Kasulatan. Higit sa isang arkeologo ang lumakas ang paggalang sa Biblia matapos ang pagbubungkal sa Palestina."

Isa pang halimbawa ang ibinigay ni Dr. Randall Gleason: "Ang Matandang Tipan ay nagbanggit sa mga taga Hittite ng halos 50 ulit. Sa maraming siglo, ang mga iskolar ay pumuna sa Biblia dahil wala silang natuklasang patunay na may nabuhay na mga ganoong tao. Subalit noong 1906, natuklasan ang dating kapital ng Hittite sa Turkey. Ang pagkakatuklas din ng mga tableta sa matandang lungsod ng Elba sa hilagang Syria noong 1976 ay nagpakita ng mayamang material na pangkasaysayan na sumusuporta sa mga tala ng Biblia.

Agham: Ang Biblia ay hindi naglalaman ng anomang kakatuwa o guni-guning kaalaman ukol sa agham. Tuwing ito ay bumabanggit ng mga bagay ukol sa agham, ang Biblia ay palaging tama.

Halimbawa: Job 26:7 (Gravity); Isaias (Ulan); Isaias 40:22 (Hugis ng Mundo); Awit 19:4-6 (Paggalaw ng Araw).

3. Ang Katuparan ng mga Hula Nito

Ang katunayan na ang Biblia ay naglalaman ng mga hulang natupad ay nagpapatunay na ang Diyos ang May Akda nito. Itinatantiya ng isang probability computer na ang hula na may 25 detalye tungkol sa isang tao, lugar o pangyayari ay may isa lamang tsansang mangyari sa 33 milyong pagkakataon.

4. Ang Di Pagkasira Nito

Mula pa noon, tinangka na ng mga tao at mga pamahalaan na was akin ang Banal na Kasulatan. Sa kabila nito, ang Biblia pa rin ang itinuturing na siyang pinakamabiling aklat sa lahat ng panahon.

5. Ang Nakapagpapabagong Kapangyarihan Nito

Ang katunayan na milyung-milyong buhay ang binago ng Biblia ay nagtuturo sa Isang Di-Pangkaraniwang May Akda.

6. Ang Pagpapakilala Nito

Ang Biblia mismo ay nagsasabing Ito ang Salita ng Dios sa sangkatauhan (2 Timoteo 3:16,17).

Kung ang Biblia ay tunay na Salita ng Dios, nangangahulugang...

Ito ay Sakdal. (Awit 19:7a)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ito ay Nag-uutos. (Santiago 1:22)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ito ay Mapagkakatiwalaan. (Awit 19:7b)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ito ay Sapat. (2 Timoteo 3:15-17)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Biblia ay ang pinagmumulan ng ating paglagong espiritual.

Basahin ang 1 Pedro 2:2.

Sa ano itinulad ang Salita ng Dios? _____________________________________
Ano ang kahalagahan nito?____________________________________________
__________________________________________________________________

Basahin ang 2 Timoteo 3:16, 17. Sa anong apat na bagay magagamit ang Salita ng Dios?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ano ang pinakamatinding dulot sa isang taong sinanay ng Biblia?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Biblia ay nagtuturo ng daan sa buhay.

Basahin ang Awit 119:105. Paano isinalarawan ang Salita sa talatang ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sa anong mga tiyak na paraan itinuro ng Biblia ang daan sa iyong buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Ano ang dapat nating maging tugon kung ang katotohanan ng Biblia ay sumasalungat sa kung ano ang ating naiisip o nararamdaman. Magbanggit ng mga pagkakataon sa iyong buhay na nangyari ang salungatang ito. Paano ka tumugon?
2. Sagutan ang ika-9 na aralin.
3. Isaulo ang 2 Timoteo 3:16, 17.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter