Sa ating pagkakita ng kahalagahan ng Salita ng Dios, ang Biblia, tayo ngayon ay ginaganahang pag-aralan, galangin at isabuhay ang mga katuruan nito.
Paano tayo ngayon dapat mag-aral ng Biblia?
Sa araling ito, matututunan natin ang ilang mga mahahalagang salik ng epektibong Bible study o pag-aaral ng Biblia na makapagpapayaman sa ating pakikipag-ugnayan sa Panginoon.
Pagpapanatili ng Tamang Ugaling Espiritual
1. Buong Pagsalalay sa Gawain ng Espiritu Santo
Ayon sa 1 Corinto 2:9-14, sino ang makauunawa at makatatanggap ng mga katuruan ng Dios?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sa Juan 14:26; 16:13, ano ang ginagawa ng Espiritu Santo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sa 1 Juan 2:20, 27, ano ang ating katangian bilang mga Cristiano?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Pagkasabik Matuto
Isalarawan ang pag-uugali ng mga taga Berea sa Gawa 17:10,11.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa 1 Pedro 2:2, sino ang ating dapat tularan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Pagpayag na Magsumikap
Basahin ang 2 Timoteo 2:15 at Josue 1:8. Bakit dapat tayong magsumikap sa pag-aaral ng
Biblia?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Pagnanasang Isabuhay ang Natututunan
Ayon sa Santiago 1:22, ano ang ginagawa natin sa ating sarili kung tayo ay basta lamang nakikinig sa
Salita?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagpaplano ng Bible Study
Oras: Ano sa palagay mo ang pinakamabuting oras upang ikaw ay personal na makapag-aral ng Biblia? Sikaping isakatuparan ang iyong pag-aaral sa ganoong oras. Matutuklasan mo na ano man ang oras na basahin mo ang Biblia ay kahaharapin mo ang isang pagpupunyaging espiritual. Kailangan dito ang disiplina.
Lugar: Maiisip mo ba ang pinakaangkop na lugar kung saan puwede kang mag-aral ng Biblia. Siguraduhing ito ay malaya sa anomang sagabal at ayos para sa pag-aaral.
Mga Bagay na Kinakailangan: Biblia, notebook at lapis. Mahalagang isulat mo ang mga aralin na iyong natutunan mula sa Biblia. Kapag tayo ay nag-aaral, ito ay upang ating matandaan ang mga aralin.
Saan Magsisimula: Basahin ang Biblia sa pagkakahati ng mga aklat. Ang Biblia ay hindi kalipunan ng mga di ayos na diwa. Magbasa mula sa simula hanggang sa wakas.
Maaring mong basahin ang Evangelio na isinulat ni Juan sa loob ng isang upuan at pag-aralan ito nang mas malalim sa pagkakahati nito sa mga kapitulo.
Huwag madaliin ang iyong pag-aaral. Hintayin ang patnubay ng Panginoon. Basahin ito nang maraming ulit upang maisapuso ito.
Pagkatapos basahin ang Ebanghelyo ni Juan, maaari mong basahin ang buong Bagong Tipan. Pagkatapos nito, maaari mong basahin ang buong Biblia. Tandaan na "ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Dios", at dahil dito, ang buong Biblia ay dapat basahin.
Ang Aktual na Bible Study
Upang malaman ang tamang kahulugan ng isang salita sa Biblia, isaisip ang ilang mga patnubay. Ang pagsunod sa mga patnubay na ito ay makatutulong upang ating iwasan ang maling pagkaunawa sa Biblia.
1. Bilang pangkalahatang patnubay, basahin ang Biblia sa literal na paraan.
2. Huwag magpagod tuklasin ang mga malalalim na kahulugan ng mga misteryo kung dahil dito ay di mo mapansin ang mga halatang kahulugan. May nagsabing, "kung ang literal na bagay ay madaling maunawaan, mag-ingat sa pagbasa nito bilang walang kahulugan."
May mga dapat isaalang-alang siempre, subalit may mga tanda na makapagsasabi kung ang isang talata ay di dapat unawain sa literal na paraan.
3. Unawain ang panahon at lugar ng pagkakasulat. May mga patlang tayong dapat tawirin upang maunawaan ang tamang kahulugan ng Biblia.
Wika - Ang Biblia ay isinulat sa wikang Hebreo (Matandang Tipan) at Griego (Bagong Tipan). Dapat tayong gumamit ng Bible Dictionary o Concordance upang alamin ang kahulugan ng isang salita na hindi natin alam.
Kultura at Kasaysayan - Malaki ang maitutulong ng pag-aaral ng mga tala sa kultura and kasaysayan sa Biblia upang ating maunawaan ang isang talata kung paano ito inunawa ng mga tao noon. Ang isang mahusay na Bible Handbook ay makatutulong dito.
4. Alamin ang Contexto. Ang Biblia ay hindi kalipunan ng pinaghalu-halong kaalaman. Ito ay may daluyan ng pag-iisip at dapat basahin bilang grupo. Iwasan ang pagbabasa ng paisaisang talata.
5. Alamin ang kahulugan ng Matandang Tipan sa paggamit ng Bagong Tipan. Maraming mga bagay sa Matandang Tipan ang nakalilito sa maraming tao. Ito ay karaniwan lamang dahil ang Matandang Tipa ay naglalaman ng maraming bagay na para sa tanda at di pang habang buhay. Ang Bagong Tipan ay nagbibigay liwanag sa mga ito. Mapanganib kung ang ating pang-unawa ay iaayon lamang sa Matandang Tipan.
6. Pag-isahin ang Kasulatan. Ang mga talatang mahirap maunawaan ay maaaring ipaliwanag ng ibang talata.
7. Kumuha ng mga praktikal na prinsipyo ayon sa tamang pagkakaunawa. Kung ating malalaman ang tamang kahulugan ng Kasulatan, maaari tayong magsulat ng mga pamamaraan ng pagsasabuhay ng mga ito. Bilang patnubay, maaari nating gamitin ang acronym na
HIKAPU.
H - May mga maka-Dios na halimbawa bang dapat tularan?
I - May mga ikapapatid bang dapat matyagan?
K - May kasalanan bang dapat iwasan?
A - May mga aral ba tungkol sa Dios o pamamaraan tungkol sa paglagong espiritual na dapat
malaman?
P - May pangako bang dapat akuin?
U - May mga utos bang dapat
tupdin?
8. Gawing personal ang mga pamamaraang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling gagawin. Sa madaling salita, ano ang gagawin mo sa mga pamamaraang iyong natutunan? Hindi kumpleto ang Bible study kung ito ay hindi maisasagawa nang malinaw.
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1.Pag-aralan ang Evangelio na isinulat ni Juan. Basahin ang unang kapitulo at gamitin ang mga pamamaraan na natutunan mo.
2. Sagutan ang ika-10 aralin.
3. Isaulo ang Josue 1:8.
Download
in Word Document file!
Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines
Home l Downloads
l Table
of Contents l Next
Chapter