Nang tanungin ang isang lalaki kung paano siya nakahahanap ng oras para sa panalangin sa kabila ng kanyang pagiging abala, ang sagot niya: "Hindi ako naghahanap ng oras, naglalaan ako ng oras!"
Ang panalangin ay isa sa pinakamahalagang gawain ng mga Cristiano, ngunit malungkot mang aminin, ito ay isa sa pinakapapabayaan. Kung nais nating magkaroon ng mabunga at masiglang pagsulong bilang Cristiano, marapat lamang na maglaan tayo ng oras para sa panalangin.
Ang Kahalagahan ng Panalangin
1. Ang panalangin ay nagpapakilos sa Kamay ng Dios.
1 Juan 5:14, 15
__________________________________________________________________

"Anoman ano ang ating hingin" ay hindi nangangahulugang pagbibigyan Niya ang bawat hiling natin. Ang sinasabi ng Dios ay walang hangganan ang maaari niya gawin!
Jeremias 33:3
_________________________________________________________________

2. Ang panalangin ay isang paraan ng pagsamba at pagpupuri sa Dios.
Awit 29:2
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Awit 8:1

3. Ang panalangin ay isang paraan upang gapiin ang tukso.
Basahin ang Mateo 26:40-45.
Ilang ulit inutusan ni Jesus ang mga alagad na magsipanalangin?
_________________________________________________________________
Bakit Niya inutusan ang mga alagad na manalangin?
_________________________________________________________________
Ano ang inatupag ng mga alagad na gawin?
_________________________________________________________________
4. Ang panalangin ay tumutulong sa atin laban sa pagkabalisa.
Filipos 4:6,7
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
1 Pedro 5:7

Paano ang Mabisang Panalangin?
1. Una sa lahat, ang panalangin ay dapat naka-sentro sa Dios. Kadalasan ng ating panalangin ay naka-sentro sa ating mga pangangailangan, o dili baga't naka-sentro sa ating sarili. Dapat tayong matuto na sambahin at purihin ang Diyos dahil sa kung sino Siya at ano ang Kanyang nagawa.
Magbanggit ng tatlong bagay kung bakit pinupuri mo ang Dios.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Magbanggit ng tatlong bagay na ginawa para sa iyo ng Dios.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Tanggalin ang lahat ng hadlang. Maraming panalangin ang hindi dinidinig dahil patuloy nating pinapayagan ang kasalanan sa ating buhay. Ang pag-amin sa Dios ang tanging lunas sa suliraning ito.
Awit 66:18
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Awit 51:1-4

Tatlong bagay ang kalakip ng tunay na pag-amin:
Pagkamuhi sa Kasalanan - Ang pag-amin ay kinasasangkutan ng pagpapanatili ng pagkamuhi sa kasalanan. "Kayong nagsisiibig sa Panginoon, kamuhian ninyong ang kasamaan" (Awit 97:10).
Pagsisisi sa Kasalanan - Nais ng Dios na talikuran natin ang ating mga kasalanan.
Kalayaan Mula sa Kasalanan - Matapos nating aminin ang ating kasalanan sa Dios, maaari nating tanggapin ang Kanyang kapatawaran. Huwag payagang manatili ang pakiramdam ng pagiging makasalanan sa ating sarili. Tayo ay may kasiguruhan sa Kanyang awa (1 Juan 1:9).
Alalahanin ang mga kasalanang nagawa mo sa Dios at sa iyong kapwa. Maglaan ng oras upang aminin ang mga ito. Kung may nagawang pinsala, makipag-ayos sa taong iyon.
3. Mataimtim na ipahayag ang iyong pangangailangan sa Dios. Nais ng Dios na mamuhay tayo nang may buong pag-asa sa Kanyang kapangyarihan (Mateo 7:7-8; Juan 16:24).
Siguraduhing mamamagitan din kayo para sa iba. Manalangin para sa ibang mananampalataya. Manalangin para sa gawain ng iglesya. Manalangin para sa mga pinuno ng inyong iglesya at para sa mga taong naghahayag ng Ebanghelyo (Efeso 6:18).
Sa pagpapahayag mo ng mga pangangailangan sa Dios, maging detalyado, masigasig at matiyaga. Isulat ang tatlong bagay na iyong ipinapanalangin. Paano tumugon ang Dios sa mga kahilingang ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1. Suriin ang iyong buhay panalangin. Masasabi mo bang ang panalangin ay isa sa mga pangunahing gawain sa iyong buhay? Bakit?
2. Sagutan ang ika-11 aralin.
4. Isaulo ang Jeremias 33:3.
Download
in Word Document file!
Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines
Home l Downloads
l Table
of Contents l Next
Chapter