"Datapuwat salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Cristo Jesus."
I Corinto 15:57
Sa ating pakikiisa kay Cristo Jesus, tinanggap natin ang malaking kayamanang espiritual upang tayo'y mamuhay sa ating bagong kalikasan. Nais ng Dios na gamitin natin ang mga pagpapalang ito upang mamuhay nang kalugod-lugod sa Kanya.
Subalit dapat nating paghandaan ang puwersa ng kaaway na susubukang pumigil sa pamumuhay natin nang matagumpay. Kinilala ng Biblia ang mga kaaway na ito: ang laman, ang sanglibutan at si Satanas.
Sa araling ito, matututunan natin kung paano labanan ang laman.
Ang Pagtira ng Kasalanan sa Ating Laman
Ang laman ay masasabing siyang ating pagiging tao. Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay ukol sa tao - ang ating binabalak at ninanasa.
Ipinahayag ni apostol Pablo sa Roma 7 na kahit mismo sa mga Cristiano, ang kasalanan ay namamahay pa rin sa ating mga laman.
Kahit na lubos na pinanghina, ang namamahay na kasalanan ay patuloy pa ring nanunubok na gapiin tayo.
v. 17 - kasalanang nakatira sa akin
v. 18 - sa aking laman ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti
v. 20 - kasalanang nakatira sa akin
v. 23 - kasalanang kumikilos sa mga bahagi (ng aking katawan)
v. 24 - katawan ng kamatayan (aking laman) isang bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan
Sa mga talatang 22 at 23, nakita natin na ang ating bagong kalikasan ay may pagnanasa sa mabuti at makatuwiran, subalit kinakalaban ito ng pagtira ng kasalanan. Kapang nangyari ito, may pagpupunyaging nagaganap sa ating kalooban.
Isalarawan ang matapat na pag-amin ni Pablo sa Roma 7:15-25.
__________________________________________________________________

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa katulad na pakikipagtuos? Anong bagay ang nagpapaluwag sa loob mo mula sa pahayag ni Pablo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ang pangloob na pakikipagtuos na ito ito ay habambuhay at magwawakas lamang sa pagdating ni Cristo Jesus na magdadamit sa atin ng bagong katawan.
Ayon sa 1 Corinto 15:51-57, ano ang mangyayari sa ating katawang lupa sa pagdating ng Panginoon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Habang tayo ay nasa laman pa rin sa ngayon, ano ang dapat nating pigilan na gagawin ng laman?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa Galacia 5:19-21, ano ang nabubuo kung pinapayagan nating ang laman na manulsol sa ating buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paano Talunin ang Laman
1. Kilalanin ang iyong kataasang espiritual.
Nagtataglay ka ng isang bago at mas makapangyarihang kalikasan (2 Corinto 5:17; Ezekiel 36:26,27).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Makatitiyak ka ng proteksyon ng Dios (1 Cor. 10:13).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Nasa iyo ang makapangyarihan sa lahat na Espiritu Santo na nananahan sa iyong katawan (Roma 8:9; 1 Corinto 6:19).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kayo ay mangapuspos ng Espirtu Santo (Efeso. 5:18; Galacia 5:16-18). Tingnan ang ika-6 aralin tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.
3. Sanayin ang iyong katawan para sa kabanalan (1 Corinto 9:25-27; Filipos 3:12-14; Hebreo 5:14). Ang sariling kabanalan ay samahan sa pagitan ng Dios at ng mananampalataya. Tiyak na tutuparin ng Dios ang Kanyang bahagi, at tayo man ay dapat gumanap sa ating bahagi.
Sanayin ang iyong katawan sa pag-iwas sa kasalanan (2 Timoteo 2:22).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sanayin ang iyong katawan upang labanan ang tukso (Santiago 1:12-15).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sanayin ang iyong katawan upang sumunod sa Dios (1 Timoteo 4:6-8).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1. Sagutan ang ika-12 aralin.
2. Isaulo ang Filipos 3:13,14.
Download
in Word Document file!
Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines
Home l Downloads
l Table
of Contents l Next
Chapter