Sa ating pagtanggap kay Cristo Jesus bilang ating sariling Panginoon at Tagapagligtas, pumapasok tayo sa pakikipag-ugnayan hindi lamang sa Dios, kundi pati sa ating kapwa mananampalataya.
Isinasaad ng Bilia na bilang mga Cristiano, tayo ay magkakapatid sa pamilya ng Dios (Juan 1:12; Hebreo 2:11). Tayo rin ay pawang mga mamamayan ng banal na
bayan ng Dios (Filipos 3:20; 1 Pedro 2:9, 10) at mga bahagi ng Katawan ni Cristo (Roma 12:4, 5; 1 Corinto 12:12).
Tayo ay inuutusan sa Kasulatan na makipag-isa sa mga kapwa mananampalataya kay Cristo at isagawa ang ating pakikipag-ugnayan sa kanila (Efeso 4:3,4; Filipos 1:27). Tinatawag ng Biblia ang nagkakaisang samahan ng mga Cristiano bilang Iglesya.
Ang Paliwanag ng Biblia Ukol sa Iglesya
Ang katagang "iglesya" ay nangangahulugan ng "mga tinawag" - mga taong tinawag mula sa kasalanan upang magkaisa bilang isang bayan at ihayag ang kadakilaan ng Dios (1 Pedro 2:9,10). Ang katagang ito ay pangunahing tumutukoy sa mga tao, at hindi sa anumang gusali o organisasyon.
Ang Iglesya ay kapwa pangkalahatan (universal) at lokal.
Ang Iglesyang Universal - Ang pinag-isang Katawan ng lahat ng mga mananampalataya sa langit at sa lupa. Anoman ang kanilang pinanggalingan o kinaaaniban, ang lahat ng mga mananampalataya ay nabibilang sa iglesyang ito.
Ang Iglesyang Lokal - Isang nakikitang samahan ng mga taong nagpapahayag ng kanilang pananampalataya kay Cristo Jesus at binibigkis ng iisang katuruan at karanasan at sama-samang namamahagi ng Evangelio ni Cristo Jesus. Ang lahat ng mga mananampalataya ay inuutusang maging bahagi ng iglesyang ito.
Ayon sa mga sumusunod na talata, ano ang kahalagahan ng lokal na iglesya at ano ang mga ginagawa dito na mahalaga sa paglagong espiritual ng mga mananampalataya?
Roma 12:4-8
_________________________________________________________________

Hebreo 10:24, 25
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Efeso 4:11-13

Sinaunang Kalakaran sa Bagong Tipan
Basahin ang Gawa 2:40-47.
Sa pagkarinig at pagtanggap sa mensahe ng Evangelio, anong apat na bagay ang ipinasyang gawin ng mga mananampalataya?
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
Paano mo ilalarawan ang samahan ng mga Cristiano sa sinaunang iglesya? Bakit mo nasabi?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Ayon sa iyong binasa, ano ang dapat makita sa kasalukuyang iglesya ni Cristo Jesus?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Ang Katuruan ng Iglesya
Binigyan ng Dios ang iglesya ng mga taong may iba't ibang kagalingan upang sanayin ang mga Cristiano sa Salita ng Dios (Efeso 4:11, 12). Bilang mga Cristiano, dapat nating ilaan ang ating mga sarili upang matutunan ang mga ito.
Subalit dapat din nating tiyakin na ang itinuturo ng mga pinuno ng iglesya ay ang Salita ng Dios. Binabalaan tayo ng Biblia na iwasan ang mga gurong mas tumatangkilik sa kanilang sariling kaalaman kaysa Kasulatan (2 Timoteo 2:16-18).
Maghanap ng mga talata sa Biblia na tumutukoy sa mga sumusunod na paksa. Ayon sa mga talata, alamin kung ano ang mga katuruang dapat panghawakan ng isang iglesya.
Ang Biblia
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Dios

Cristo Jesus

Kaligtasan

Ang Layunin ng Iglesya
Ang iglesya ay hindi nananatili para lamang sa sarili nito. Ito ay di dapat maging abala sa pangsarili nito, bagkus ay para sa mga nasa kasalanan pa. Samantalang ang pakikipagkapatiran o fellowship, pagsamba at pagtuturo ay pawang mahahalagang salik ng buhay iglesya, ang mga ito ay para sa mas mabuting mithiin.
Pinayagan tayo ng Dios na manatili sa lupa para sa isang dakilang layunin, at ito ay ang "gawing alagad ang mga bansa" (Mateo 28:19). Tayo ay nagpapalakas at nagsasanay sa loob ng iglesya upang maging mabisang saksi para kay Cristo Jesus sa labas.
Ayon sa Mateo 28:19, 20, ano ang itinagubilin ni Cristo na gawin ng iglesya?
__________________________________________________________________

Ano ang pangakong ibinigay ng Panginoon sa hulihan ng Kanyang utos? Paano nito pinasisigla ang ating pagsunod?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa Gawa 1:8, ano ang iginawad ng Dios sa bawat mananampalataya upang maging mabisang saksi?
__________________________________________________________________
Ano dapat ang ating makita sa isang iglesya kaugnay nito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1. Ako ba ay kaanib ng isang lokal na iglesya? Bakit o bakit hindi? Anong mga bagay ang dapat na Makita ko sa isang iglesya bago ako umanib dito?
Tandaan: Dapat nating maunawaan na walang sakdal na lokal na iglesya. Maaari tayong makakita ng mga kakulangan kahit sa mabubuting iglesya. Sa halip na kasakdalan, ang dapat nating hanapin sa isang iglesya ay ang paglalaan nito sa sarili upang tupdin ang nilalaman ng Biblia.
2. Sagutan ang ika-15 aralin.
3. Isaulo ang Hebre0 10:24, 25.
Download
in Word Document file!
Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines
Home l Downloads
l Table
of Contents l Next
Chapter