Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ika-15 Aralin: Ano ang mga Tungkulin Ko Bilang Kaanib ng Iglesya?

"Liban na lang na ang pagkakapatiran sa loob ng Iglesya ay lubhang nakahihigit sa ibang samahan sa lipunan, magpapagod ang mga Cristiano sa pagsasalaysay ng kapangyarihan ng Panginoong Jesus na nakapagbabago hanggang ang kanilang tinig ay mapaos, subalit ang mga tao ay hindi makikinig nang lubos."

- Mark Littleton

Ang Iglesya, sa pagkakatakda ng Diyos, ay isang samahan na labis na kakaiba. Dahil ito ay pinalakas ng buhay at Espiritu ni Cristo, ang mga taong kabilang sa iglesya sampu ng paraan ng kanilang pamumuhay ay dapat magpatotoo sa kung ano ang kayang gawin ng kapangyarihan ng Dios.

Sa nakalipas na aralin, nakita natin ang patotoong ito sa buhay ng sinaunang iglesya sa Bagong Tipan (Gawa 2:42-47). Wala silang magagarbong gusali, pormal na organisasyon at anumang mabusising programa, palabas o gimik. Isang bagay lamang: ang Espiritu ng Dios ay kumilos at nagpalakas sa kanila habang sila'y naging masunurin sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa isa't isa.

Ganito din ang dapat gawin ng makabagong iglesya!

Sa ating aralin, matututunan natin ang ating mga katungkulan bilang mga kaanib ng lokal na iglesya.

Ang Gawain ng Pagpapatibay

1. Pag-udyok sa Iba na Sundin ang Kalooban ng Dios

Ang lahat ng mga Cristiano ay binigyan ng katungkulang ipahayag ang katotohanan sa pag-ibig upang tayo ay magsilaki (Efeso 4:15, 16).

Ayon sa Hebreo 10:24, 25, ano ang tungkulin natin sa mga mananampalataya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ano ang ibig sabihin ng katagang udyok? Paano natin ito maisasabuhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Magdamayan sa Oras ng Pighati

Ang pighati ay isang katotohanan ng buhay - lalo na sa mga Cristiano. Ang tungkulin ng Katawan ni Cristo ay makiramay o magpalubag loob ng mga nagdaramdam.

Ayon sa 1 Corinto 12:26, ano ang dapat maging totoo sa iglesya? Paano natin ito dapat makita sa araw-araw na buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1 Tesalonica 4:18; 5:11
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1 Pedro 3:8
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Magbigay Upang Maabot Ang Mga Pangangailangan

Sa katunayan, ang katagang fellowship ay nangangahulugan ng pagbibigay. Ito ay hinango mula sa katagang Griego na koinonia, na ang ibig sabihin, kapag isinalin, ay magkaroon ng pare-pareho.

1 Juan 3:16-18
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawa 4:32-37

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Gawain ng Pagpapagaling

Tungkulin natin na pagalingin ang mga bahagi ng katawan na nanghihina at may kapansanan. Ang may akda ng Hebreo ay nagsabing: "Kaya't palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas. Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad" (Hebreo 12:12, 13; TPV).

Mayroon tayong dalawang tungkulin kaugnay ng gawaing ito.

4. Mangaral Upang Manggising sa Katotohanan ng Suliranin

Ito ang unang hakbang tungo sa kagalingan - ang pagpapakita sa isa na siya ay may suliranin. Ang taong ito ay hindi hahanap ng lunas hangga't hindi niya natutuklasan na may kasalanang sumasagabal sa kanyang paglakad sa Dios.

Sa Mateo 18:15-17, si Cristo Jesus ay nagbigay ng ilang mga patnubay ukol sa pakikitungo sa nagkakasalang mananampalataya.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Ipanumbalik sa Pagpapakita ng Daan Tungo sa Kagalingan

Ang pagpapanumbalik ay ang ikalawang hakbang tungo sa kagalingan. Ito ay kinasasangkutan ng pagtulong sa tao upang madaig niya ang kasalanan matapos niyang kilalanin ang suliraning ito.

Galacia 6:1
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Gawain ng Pagsupil

6. Ipagtanggol Laban sa Karumihang Moral at Theological

Minsan, ang corruption o karumihan ay nagmumula sa labas (mga udyok na panglabas) tulad ng media o mga taong nasa labas ng iglesya. Sa ilang pagkakataon, ang corruption ay nagmumula sa loob (bagay sa loob ng iglesya) tulad ng isang kaanib na nagpapakita ng maling ehemplo.

Anuman ang suliranin, tayo ay may tungkuling ipagtanggol ang kawan mula sa karumihang moral o theological. Ang pagpayag na magakaroon ito ng inpluwensiya sa iglesya ay magdudulot ng malaking pinsala.

Hebreo 12:15, 16
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Basahin ang Pahayag 2:12-17.

Ano ang malubhang kasanalanan na ginawa ng iglesya sa Pergamo? Ano ang mga hakbang na itinakda upang mabaligtad ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Huwag Kalilimutan.

7. Ang mga tungkuling ito ay isasakatuparan kalakip ng masigasig na pananalangin.

Efeso 6:18
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Higit sa anupaman, ang pamilya ng iglesya ay nangangailangan ng paglalaan ng bawat kaanib sa panalangin para sa mga gawain nito. Ito ay makatitiyak ng paglago ng iglesya at pagtatagumpay ng iba't ibang gawain nito.

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Sagutan ang ika-16 na aralin.
2. Isaulo ang Galacia 6:1.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter