"Naliligtas tayo sa pamamagitan ng nag-iisang paraan - pananampalataya, subalit ang pananampalatayang nakapagliligtas ay hindi kailanman nag-iisa."
- John Calvin
Nakalilito ang nasabing pangungusap, hindi ba? Siyasatin natin ito nang mas malalim.
Ang kaligtasan ay tanging gawa ng Panginoon na tinatanggap natin sa pamamagitan ng
pananampalataya sa persona at mga naisakatuparan ni Cristo Jesus, at hindi sa
pamamagitan ng ating sariling gawa.
Subalit, ang pananampalataya, upang masabing nakapagliligtas at ganap, ay kailangang
patunayan. Hindi natin matatawag na ganap ang pananampalataya kung ito ay hindi nagbubunga.
Ang Biblia ay nagsasabing subukan natin ang ating pananampalataya (2 Corinto 13:5,6).
Ang Pag-ibig sa Dios at Kapwa
1. Pag-ibig sa Dios
Sa ating pagkapanganak na maguli, inilagay ng Dios sa ating puso ang pagnanasang
ibigin at purihin Siya.
Mateo 22:37
__________________________________________________________________

Awit 73:25

I Juan 5:3

2. Pag-ibig sa Kapuwa
Isinasaad ng Biblia na "ang pag-ibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso
sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin" (Roma 5:5).
Ito ang nagbibigay sa atin ng pagnanasa at kakayahang iparamdam ang pag-ibig sa iba.
Ang katotohanang ito ay dapat maipamalas sa ating pakikiharap sa ibang tao.
I Juan 2:9,10
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
I Juan 3:14

I Juan 4:7,8

Ang I Corinto 13:4-7 ay nagsasalarawan kung ano ang pag-ibig. Pumili ng isang
katagang nagsasalarawan sa pag-ibig at magbanggit ng mga paraan kung paano
ito maipakikita sa iyong buhay.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Isang Pagkagutom sa Katuwiran
Dahil ang katuwiran ng Dios ay napasa atin (2 Corinto 5:21), ang pangkalahatang
anyo ng ating buhay ay dapat nakaparis sa matuwid na pamumuhay.
1. Pagkasuklam sa Kasalanan (Awit 97:10)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Pagsisisi sa Kasalanan (1 Juan 1:8-10)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Pagnanais na Sumunod (1 Juan 2:3-5)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pag-aralan ang Lucas 6:46-49. Ayon sa ika-46 na talata, ano ang pagkukulang
ng mga taong nagpapahayag na si Cristo Jesus ang Panginoon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ano ngayon ang masasabi mo tungkol sa pagpapahayag na si Cristo ay Panginoon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Unang Pagsasalarawan (Lucas 6:47-48)
Kanino itinulad ni Jesus ang taong nakikinig at sumusunod sa Kanyang Salita?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ikalawang Pagsasalarawan (Lucas 6:49)
Kanino itinulad ni Jesus ang taong walang pagnanais sumunod?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pakikipag-usap sa Dios
Ang isang ligtas na tao ay nagnanasang makipag-usap sa kanyang Panginoon.
Sa pagtanggap natin kay Cristo Jesus, ang Espiritu Santo ay nagdadala sa atin
upang manalangin sa Dios (Galacia 4:6). Kung gayon, kilala ang isang mananampalataya
sa kanyang pagnanasang makipag-usap sa Dios.
Isalarawan ang pagnanasa ni David na makipag-usap sa Dios sa mga sumusunod na talata:
Awit 42:1-3 ________________________________________________________
Awit 119:20 ________________________________________________________
Awit 119:129-131 ___________________________________________________
Bagong Buhay (2 Corinto 5:17)
Ang buhay ng isang ligtas na tao ay nakatakdang dumanas ng mga pagbabago.
Maaaring dahan-dahan, ngunit ang mga pagbabagong ito ay dapat lumabas sa buhay.
Kung walang pagbabago, maaaring hindi ganap ang pananampalataya.
1. Paglagong Espiritual (Filipos 1:6)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Mula sa Pagiging Palalo Tungo sa Pagpapakumbaba (Santiago 4:6b)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Isang Maamong Dila (Mateo 15:18; Santiago 3:1-12)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Mabubuting Gawa (Santiago 2:14; Efeso 2:10)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paghahanda sa Susunod na Aralin
1. Pagbulaybulayan ang 2 Corinto 13:5,6. Naipakikita ko ba ang mga palatandaan
ng ganap na pananampalataya? Ano ang tunay na pananampalataya?
2. Sagutin ang ika-6 na aralin.
3. Isaulo ang Santiago 1:22.
Download
in Word Document file!