May isang kuwento tungkol sa isang babae na siyang tagapagmana ng malaking kayamanan
na iniwan ng kanyang lolo. Subalit, ang babae, na namuhay bilang pulubi, ay walang
alam tungkol sa kanyang lolo at sa kayamanan nito. Ang mga abogado ng yumaong lolo
ay nagsumikap hanapin ang nawawalang tagapagmana sa loob ng 20 taon hanggang isang araw,
siya ay natagpuan. Subalit huli na ang lahat, dahil ang nawawalang tagapagmana ay
malapit na ring mamatay.
Sayang! Kung alam lamang niya na may naghihintay sa kanyang malaking kayamanan, disin sana'y
nahango na siya sa hirap at naranasan man lamang ang mga biyayang para sa kanya. Ngunit
dahil sa hindi niya alam, namatay siyang hindi natikman ang maging mayaman.
Ang kuwentong ito, bagama't malungkot at kakaiba, ay patuloy na nangyayari sa buhay ng
mga Cristiano. Hindi nila nararanasan ang mga magagandang biyayang mayroon sila kay Cristo,
dahil hindi nila alam na mayroon sila nito.
Ang Pagtahan ng Espiritu Santo
Sa oras na tanggapin ng isang tao si Cristo Jesus, ang Espiritu Santo ay nananahan sa kanya.
Siya ay dumaranas ng bautismo o pakikipag-isa sa Espiritu Santo. Ang bautismo na ito ang
siyang naghahatid sa mananampalataya sa Katawan ni Cristo o ang pamilya ng mga mananampalataya.
Ang Espiritu ng Dios ang nagtatanda sa isang tao bilang anak ng Dios.
Ayon sa Roma 8:9, sino ang walang Espiritu Santo?
__________________________________________________________________
Basahin ang 1 Corinto 12:13.
Sino ang nabautismuhan ng Espiritu?
__________________________________________________________________
Para sa anong dahilan sila nabautismuhan?
__________________________________________________________________
Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa Cristiano upang siya ay:
Maging Saksi para kay Cristo (Gawa 1:8).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Maunawaan ang Salita ng Dios (1 Corinto 2:11-14).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paglingkuran ang Dios (1 Cor. 12:4-6).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sundin ang kalooban ng Dios (Ezekiel 36:26,27).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paggugol sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo
Upang magawa ito, kailangan ng isang mananampalataya na humawak sa kapangyarihan
ng Espiritu Santo. Magagamit niya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng buong pagpapasakop
sa Espiritu Santo.
Efeso 3:16__________________________________________________________
Efeso 5:18 _________________________________________________________
Galacia 5:16 ________________________________________________________
Paano Ba Sumuko sa Espiritu Santo?
Pagnanasang Sumunod sa Dios (Roma 12:1,2)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagsisisi sa Kasalanan (1 Juan 1:9; Awit 32:1-5)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagtawag sa Dios Upang Manaig sa Iyong Buhay (1 Juan 5:14,15)
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa Galacia 5:22, 23, ano ang dapat makita sa buhay ng isang Cristiano na
sumusunod sa Espiritu?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ang Pagtatatak ng Espiritu Santo
Ang Espiritu Santo ay ang Banal na Tatak na iginagawad sa mga mananampalataya sa oras
na magtiwala sila kay Cristo Jesus.
Basahin ang Efeso 1:13,14. Ayon sa ika-13 talata, ano ang basehan ng
pagkakatatak?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ayon sa ika-14 na talata, ang pagtatatak ng Espiritu ay nagpapatunay ng dalawang bagay:
1. Katiyakan - (Ang Espiritu) ay siyang patotoo sa ating pamana...
2. Pag-aari - ...hanggang sa ikatutubos sa sariling pag-aari ng Dios - sa ikapupuri ng Kanyang kaluwalhatian.
Paano naaapektuhan ng mga katotohanang ito ang iyong buhay Cristiano?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Paghahanda Para sa Susunod na Aralin
1. Pagmunimunihin ang katatapos na aralin.
Anong mga natatanging pagbabago ang ipinakita sa iyo ng Diyos upang gawin?
Purihin ang Dios para sa Espiritu Santo.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Sagutan ang ika-7 aralin.
3. Isaulo ang Galacia 5:22, 23.
Download
in Word Document file!