Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter

Tularan Mo Ako
Tungo sa Paglagong Espiritual

Ika-7 Aralin: Paano Ko Maisasagawa ang Aking Pakikipag-ugnayan sa Dios?

(Ang Bagong Pagkakakilanlan ng Mananampalataya)

Tinuturuan tayo ng Biblia na bilang mga mananampalataya kay Cristo Jesus, tayo ay dinadala sa bagong mundo o kalagayan - kay Cristo.

Bago tayo naligtas, tayo ay kabilang sa mundo ng kasalanan - sa kasalanan. Iyon ang daigdig kung saan ang kasalanan ay nangingibabaw (Roma 3:9-18). Sa ganoong kalagayan, ang tao ay namumuhay habang sinusulsulan ng kasalanan.

Subalit dahil sa awa at pag-ibig ng Dios, iniligtas Niya tayo sa ganoong kalagayan at inilipat tayo sa kaharian ng Kanyang Anak (Colosas 1:13,14). Tayo ay nasa ganap na espiritual na pakikiisa sa Kanyang Anak na si Cristo Jesus.

Maraming kamangha-manghang bagay ang nangyari dahil sa ating pakikiisa kay Cristo. Pag-aralan natin ang isa sa mga ito...

Efeso 2:1-10

                             Ang Lumang Mundo               Ang Bagong Mundo
                             sa kasalanan (v. 1)                           kay Cristo (vv. 6, 10)

kalagayan                  
patay (v. 1)                                    binuhay (v. 5)
pamumuhay                sumusunod sa gawi ng daigdig;        nilalang kay Cristo Jesus para
                                  palasuway (v. 2)                             sa mabubuting gawa (v. 10)
Panginoon                   pinuno ng kaharian ng hangin (v. 2)  Cristo (vv 5-10)
hangarin                     nangabubuhay sa mga kahalayan      purihin ang Dios (vv. 5-8)
                                  ng pita ng laman (v. 3)
hantungan                   sa poot (v. 3)                                  sangkalangitan (v. 6)


Ang totoo kay Cristo Jesus ay totoo na rin sa atin ngayon dahil sa ating pakikiisa sa Kanya. Sapagkat binuhay Siya ng Dios mula sa mga patay, tayo man ay binuhay kalakip ni Cristo (Efeso 2:5). Ang bagong buhay na mayroon tayo ay isasapamuhay natin para sa kaluwalhatian ng Dios (Roma 6:4).

Sapagkat binuhay ng Ama si Cristo Jesus at pinaupo sa Kanyang kanan sa sangkalangitan (Efeso 1:20), sa ibabaw ng nasasakupan ng kasalanan at kamatayan, "tayo'y ibinangong kalakip Niya, at pinaupong kasama Niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus" (Efeso 2:6), sa ibabaw ng kaharian ng kasalanan at kapangyarihan ng kamatayan.

Ang mga katotohanang ito ay hindi lamang para sa ating kaalaman, bagkus ang mga ito ay lubhang mahalaga sa ating buhay.

Halimbawa:

Hindi na ako hawak ng kasalanan. Maaari akong tumanggi sa kasalanan.

Hindi na ako matatakot sa kamatayan dahil tiniyak na ang aking hantungan sa langit.

Nakawala na ako sa pamamahala ni Satanas. Kaya ko siyang labanan.

Dapat nating lubos na maunawaan ang ating bagong pagkakakilanlan (sino tayo) at ang ating malaking kayamanan (ano ang mayroon tayo) upang tayo ay makapamuhay bilang mga anak ng Dios.

Ang Ating Bagong Pagkakakilanlan

Sa mga sumusunod na talata ng Biblia, alamin ang iyong bagong pagkakakilanlan kay Cristo, at magbanggit ng isang kaugnayan nito sa iyong pag-uugali bilang mananampalataya.

Gawa 1:8
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Roma 8:17
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Roma 6:1-5
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2 Corinto 5:17
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2 Corinto 5:21
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Efeso 1:3
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Efeso 1:4
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Colosas 1:13, 14
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2 Timoteo 1:7
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1 Juan 3:1-3
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Sagutan ang ika-8 aralin.
2. Isaulo ang Colosas 1:13, 14.

Download in Word Document file!

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA
EBFC, Inc., Mandaluyong City
Philippines

Home l Downloads l Table of Contents l Next Chapter